Borlogs

Thoughts while borlogs

Saturday, March 31, 2007

Work in NZ

Comparison lang ng buhay COA at buhay NZ. Unfair kung magcocompare ako, pero whoever said that life is fair, hehehe



Pinas - NZ Work
Marami minsan. Konti minsan. Pero nakukuha pang mag internet. Magpatugtog. Mag yosi sa fire exit. Chismisan. (Miss ko na ang chismis capital of the world)
Susulitin bawat minuto mo

Wala nang time for doing other things. Multi tasking - Ikaw lahat, taga receive, taga release, taga process, taga desisyon.


Bundy Clocks
finger scanning para iwas lokohan. Kulang na lang retina scanning para walang kawala
Walang time in, time out. based on honesty.


Tawagan
Sir, Mam, Mr., Engr. Auditor, Dr., di pa nakuntento, The Honorable Chairman, Asst. Commissioner so and so
I call my bosses Dale and Chris.

Ang tawag ng mga tao sa Prime Minister nila ay Helen, kasi yun ang pangalan niya.
Official Memos
Dapat naka letterhead, apat na spaces from the sender to the addressee. Times New Roman and font na 12 ang size. Maganda pagkaka-print.

Please be informed
This pertains to your…thereafter, hence, thereby, therefore, undersigned,

Email lang.

Where is the copy of ….
Give a list ….
What shall we do about…
Sweldo
Enough para mamuhay ang isang tao. With the grace of mother dear.
1/3 sa tax. 1/3 sa sarili. 1/3 para pambayad ng utang sa Pinas

Walang yumayaman sa NZ. Lahat pantay pantay. Socialist country
Tax
Di ko alam eh,
above 38,000 per annum – 33%

Ang taas ano.. Kaya 1/3 ng sahod mo napupunta sa gobyerno.

Equipment
Share sa PC, printer photocopy.


One is to one. Para productive

Hataw ang programs nila dito. Of course, marami rin sablay.
Maternity leave
2 mos.
1 year
Social contacts
Friday night bonding at Bhaybee’s garden pag may birthday, kung wala naman, isip ng okasyon. Patak patak, singkwenta pesos yung iba nakakaligtas
Morning tea sa office – bring a plate. Ibig sabihin, magdala ka ng ambag mo, hindi plato. Pag wala, tatanungin nila kung ano dala mo. Di naman sila garapal, naninigurado lang.
Lunch break
11:30 lunch. 12:00 -1:00 Patay ng ilaw, tulog para fresh, di kaya internet, deadma sa phone kasi lunch break
30 mins lang. Hanap ka ng oras na mag lunch break.. Di ka nila bibigyan ng medalya kung di ka nang 30 mins break.
Pag may bagong empleyado
Sino yan? San siya galing? Anu alam niyan? Bahala siyang alamin ang mga bagay bagay ditto noh. Ako nga noon ……
May afternoon tea welcoming the new employee. mag aapointment sa lahat ng taong may dapat ituro say o. SAP, ARION, timetabling,

Di na sila nagtanong kung san ako galing, ang importante, maturuan nila ako, at pakinabangan na ako asap.
Friendship
Ninang, ninong ng mga anak ng ka-opis. Eh di ba second parent yun. Bless mo ninang, si Tita, si Tito….

Punta Greenhills, pasama bili ng kailangan. Punta bahay, kung may handaan.
Wala eh.
Utangan
Marami, take your pick
Mortgaged lahat, bahay, kotse, pc, furnitures. Nabubuhay sa utang mga tao dito. Worse pa sa Pinas.
Racket
Magtinda ng tocino, ulam, damit, magic cream etc. Tax free
Magtrabaho sa Burger King, Macdo, cleaner, pero 40% ang tax, wala rin
Dental & Medical
Libre
Hindi noh. May dental check up dito, gulat ako $40 daw. (P1360)
Chika
Chika in the morning
Chika in the afternoon
No time.
Kapogian sa trabaho
Salat. Si Gary at Allen ang pogi.
Kahit san ka lumingon. Para kang nanood ng cine.

Police, construction workers, siyet na malagkit, hulog panty…

Small talk
No such thing dapat kwentuhan ng buhay ito ,
Kris-James-Hope
James-Kris-Philip
Kris-James-Marlboro.
How are you? Dapat ang sagot – Awesome or good as gold or box of birds ( di ko rin gets e)

How was your weekend?

Naglaba, natulog,

Hindi ako nagrereklamo, nanghuhusga, nagyayabang, nanlalait, or kung anuman ang interpretasyon . Base lamang naman ito sa aking experience. One week on the job is not enough to assess but it will give you a snapshot of things here.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home